Kami ay magkakaibigan
Palaging nagtatawanan
Lalo na kung CRUSH ang pinag-uusapan
Di maiwasan ang biruan
BAI ang tawagan sa nabuong pagkakaibigan
Maraming gumagaya ngunit di kayang pantayan
Ang samahan nami'y pinagsaluhan
Sapagkat ito'y nakatatak sa puso't isipan
Tampuhan ma'y dumating at maglaho
Pagkakaibigan nami'y di guguho
Marami man sa ami'y di gusto
Pagkakaibigan nami'y di mangyayaring isusuko
Marami sa ami'y naiinggit
Sa dulot naming ingay silay nagagalit
Sabihin man naming kami'y magbabago at di na uulit
Mananatili parin kaming makukulit na BULILIT
by: BULILIT'Z
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment